Pahayag para sa Pandaigdigang Araw ng Paggawa
Manggagawang Sosyalista-Pilipinas
(MASO-Pilipinas)
Mayo 1, 2015
Ang Manggagawang Sosyalista-Pilipinas (MASO-Pilipinas) ay nagsasagawa ng malawakang pagkilos bilang paggunita sa pandaigdigang Araw ng Paggawa.
Ang nasabing pagkilos ng MASO-Pilipinas ay lalahukan ng iba’t ibang samahan ng Manggagawa mula sa kalakhang maynila, at mga karatig na bayan. Ang sentrong panawagan ng grupo; “Wakasan, gobyerno ng burges. Itayo, gobyerno ng Manggagawa”
Dagdag pa, mahigpit na tinututulan ang laganap na kontraktwalisasyon, pribatisasyon sa mga pangunahing pang-publikong serbisyo, tulad ng MRT/LRT, Kuryente at tubig.
Kinukondena din ng grupo ang nakaraang P15.00 na dagdag na sahod na ayon sa kanila ito ay limos. Ayon sa kanila ang kailangan ng Manggagawa ay Living Wage at hindi Starvation Wage.
Ayon sa grupo, kailangan ng wakasan ang Dinastiya sa pamahalaan, ang malaganap na corruption na lalong nagpapahirap sa masang Pilipino.
Kung sa halos limang (5) taong pamamahala ni Pnoy ay walang napala ang mga manggagawa lalong wala nang maaasahan pa ang mga Manggagawa sa Labing-apat (14) na natitirang buwan sa panunungkulan ni Pnoy.
Sapat ang mga rason para alisin si Pangulong Benigno S. Aquino III sa kanyang pwesto at wakasan ang buong sistemang naglilingkod lamang sa burgesya.
Sinabi ng grupo, ang paggunita sa pandaigdigang araw ng paggawa ay pagkilos hindi lamang para sa isang reporma, bagkus ay isang tuwirang pagbabago ng Lipunan.
Sinimulan ang kanilang pagkilos, ngayon ika-30 ng Abril sa pamamagitan ng isang “Lakbayan” na nagsimula sa Zapote, Las PiƱas patungo sa Mehan Ganden, kung saan ay gaganapin ang isang pre-labor day concert.
Sa mismong araw ng paggawa ang mga manggagawa at mga organisasyon ng Manggagagawa kasama ang MASO-Pilipinas ay magtitipon-tipon sa tatlong (3) mga tagpuan, sa Manila City Hall, Mehan Garden at Plaza Miranda sa ganap ng ika-7 ng umaga at sama-samang magma-martsa patungo sa Mendiola.
Inaasahan ang humigit kumulang sa 20,000 manggagawa ang lalahok sa nasabing pagtitipon na pawang nakasuot ng kulay pula.
Ang TUPAS, NATU, SUMAPI na mga kaanib sa World Federation of Trade Union (WFTU) at VLM ay inaasahang kasama sa pagtitipon.
Ang MASO-Pilipinas ay coalition ng mga Sosyalistang Samahan na kinabibilangan ng Sosyalista, National Confederation of Labor (NCL), Kilusan ng Manggagawang Pilipino (KUA), Katipunan ng Manggagawang Pilipino (KMP), Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), KMM, Katipunan ng mga Samahan ng Manggagawa (KASAMA), Nagkakaisang Sosyalista (NS).
MASO-Pilipinas
International Labor Day
Pilipinas, 05.01.15
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento