Linggo, Mayo 24, 2015

BALIKWAS bilang munting pahayagan ng uring manggagawa

BALIKWAS BILANG MUNTING PAHAYAGAN NG URING MANGGAGAWA

Napapanahon na upang muling maglabas ng pahayagan para sa uring manggagawa. Matagal nang wala ang pahayagang Obrero, kung saan isa ang inyong lingkod sa nagsulat dito. Inilathala ng buwanan ang pahayagang Obrero ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP). Nagsimula ito noong Pebrero 2003. Nakapaglabas ng mahigit 40 isyu hanggang sa mga taong 2008 o 2009. May magasin din ang BMP, at ito ang magasing Tambuli, na nailathala noong nabubuhay pa si Ka Popoy Lagman.

Nang mawala ang pahayagang Obrero, nagbukas naman ng publikasyon ang Partido Lakas ng Masa (PLM), at ito ang magasing Ang Masa. Nakapaglabas ito ng walong isyu noong Setyembre 2011 hanggang kalagitnaan ng 2012. Mula noon ay hindi na ito muling nakapaglathala.

Sa ngayon ay napag-isipan ng inyong lingkod na maglathala ng munting pahayagang Balikwas upang punan ang pagkawala ng mga pahayagan at magasing iyon. Bunsod ito ng pagkamatay ng pitumpu't dalawang manggagawa sa naganap na sunog sa Kentex Manufacturing Corp. sa Lungsod ng Valenzuela. Dapat subaybayan at isulat ang ganitong mga kaso,  na karaniwang hindi inilalabas sa pahayagan, maliban kung may ganitong trahedya, at magpahayag sa punto de bista ng uring manggagawa. 

Sa telebisyon ay ipinalalabas lang ang tungkol sa sunog, ngunit hindi man lang pag-usapan ang isang sistemang nagdulot nito - ang salot na kontraktwalisasyon. Ang paglalathala ng pahayagang ito ay bunsod na rin ng kawalan ng mapaglathalaan ng mga isyu ng paggawa at pagkaburo ng kakayahang magsulat, na nauuwi na lang sa pagtula na nalalathala na lang sa blog at facebook. 

Isang magandang pagkakataon ang iniaalay ng Balikwas sa mambabasa. Katatangian ang munting pahayagang ito ng mga napapanahong balita hinggil sa manggagawa, maralita, at iba pang aping sektor ng lipunan. Nais rin ng Balikwas na isulong ang panitikan, tulad ng tula at awit, bilang bahagi ng pagmumulat sa mayorya ng naghihirap sa lipunan. Mahalaga ring tungkulin ng pahayagang ito ang pag-rekord ng mga balitang hindi napag-uusapan sa mga pahayagan, bilang bahagi ng pag-uulat pangkasaysayan.

Tulad ng ipinahihiwatig ng pangalan ng ating pahayagan, nais nating mamulat at magbalikwas ang mga api sa lipunan, upang maging katuwang sila sa pagbabago.

Nawa ang munting pahayagang ito'y magpatuloy at makapag-ambag sa kamulatan at kasaysayan ng uring manggagawa sa ating bansa. Mabuhay kayo!

- Gregorio V. Bituin Jr., patnugot ng Balikwas

Huwebes, Mayo 14, 2015

Ang Trahedya sa Kentex ay Hindi Aksidente, Ito’y Sinadya


Ang Trahedya sa Kentex ay Hindi Aksidente, Ito’y Sinadya

Nagpapaabot ng lubos na pakikiramay ang Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), sampu ng kasaping unyon nito sa lungsod ng Valenzuela sa lahat ng naiwang mahal sa buhay ng mga nasawi sa sunog sa planta ng Kentex Manufacturing Corporation. 

Higit sa pakikiramay, kaisa ng mga kamag-anak ng mga biktima hangad ng BMP ang hustisya para sa mga nasawi at lahat ng mga naging biktima ng pagpapabaya at pagtalikod ng mga opisyal ng mga pambansang taggapan gaya ng Department of Labor and Employment at ang Occupational Health and Safety Center maging ang lokal na pamahalaan na may responsibildad na seguruhin ang pagsunod ng lahat ng kumpanya sa mga nakatakdang alituntunin hinggil sa kaligtasan sa mga pabrika.

Nakakalungkot man isipin pero ang katotohanan ay hindi lamang ang mga manggagawa ng Kentex ang biktima ng sistematikong pagpapabaya at pagtalikod sa tungkulin ng mga opisyal ng pamahalaan. Bago dito ay halos isang daan na rin ang mga manggagawang nasawi sa kani-kanilang pook-trabaho mula ng 2010. 

Hinding-hindi dapat naganap ang karumal-dumal na trahedyang ito sa Kentex o anupamang kumpanya kung trinato lamang bilang kabahagi ng pag-unlad ng lipunan ang mga manggagawa at hindi parang mga payak na kasangkapan lamang nila para abusuhin at pagsamantalahan.

Hindi dapat na ituring na isa lamang aksidente sa pagawaan ang trahedya sa Kentex dahil ito’y sinadya. Sinadya ng gobyerno sa pamamagitan ng kanyang mga polisiya na sapitin natin ang mapait na kalagayan na mawalan ng mahal sa buhay. Mga polisiyang nagpaluwag sa daloy ng kapital para malayang makapagkalakal at makapagkamal ng tubo ng walang pasubali kung ito’y iligal o magpapalala pa sa ating abang kalagayan. Ang pag-abandona sa ating buhay at kabuhayan ay nangangahulugan na mas marami pang Kentex ang magaganap.  Wala nino man sa atin ang ligtas sa kamandag ng kapitalistang pagsasamantala at ng walang kwentang gobyerno nito.

Kung kaya’t kailangan na nating magkaisa’t kumilos para maiwasan ng mga kapwa nating manggagawa ang sinapit ng mga nasawi sa Kentex. Kailangan panagutin natin ang mga opisyal ng pambansa’t lokal na pamahalaan bilang unang hakbang natin para ipaglaban ang dignidad ng ating mga buhay at mga karapatan sa kabuhayan. 

Hustisya sa manggagawa ng Kentex!
Hustisya’t Dignidad sa manggawang Pilipino!
Panagutin ang berdugong kapitalista’t opisyal ng gobyerno!

Sabado, Mayo 2, 2015

Thousands of workers “see red”: Militant labor marches to an anti-Noynoy, anti-elite,and anti-imperialist war drum

May 1, 2015
Thousands of workers “see red”:
Militant labor marches to an anti-Noynoy, anti-elite,
and anti-imperialist war drum

AROUND ten thousand workers – from both the formal and informal sectors, belonging to militant groups Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), Partido Lakas ng Masa (PLM), SANLAKAS, and the socialist labor alliance Manggagawang Sosyalista (MASO) – wore red shirts today in a Labor Day march that calls for the ouster of Noynoy, the rejection of elite rule and foreign domination, and the establishment of a pro-worker and pro-people government.

Anti-Noynoy

In the Greater Manila area, the “red shirts” converged in front of the Manila City hall before proceeding to join the Nagkaisa broad labor coalition in Mendiola.

BMP President Leody de Guzman said, “In five years, the electoral slogan ‘kung walang korap, walang mahirap’ has waned. Not only because Noynoy’s supposed mandate has only targeted the elite opposition with the jailing of Revilla, Jinggoy and Enrile and has defended various forms of lump sum and discretionary budgeting such as the PDAF and DAP. More so, this administration has failed to lift the lives of the poor”.

“No amount of Noynoy’s political gimmickry could satisfy the hungry masses. Wages are at starvation levels. The NCR minimum wage of P481 is almost a third of the daily cost of living (P1,200). Jobs are not only scarce. They are also precarious due to contractual employment,” he added.

Anti-Elite

“The economic woes of the people fueled the major decrease in Noynoy’s trust ratings in the recent surveys. But the problem lies, not just with the current resident of the Malacanang Palace, but in elite rule, which is no other than the dictatorship of political dynasties under a system of elite democracy,” PLM chair Sonny Melencio clarified.

Melencio said, “The political consciousness of the electorate must be raised – from a mere disgust against the bungling Noynoy to a keen critique against the politics of the privileged few. If not, they would only be used as cannon-fodders by a rival faction of the elite in the 2016 elections”.

“Thus, we vow to organize a strong movement of wage-workers and the propertyless masses to lead the anti-Noynoy struggle into developing a platform not just for regime change but for a meaningful and substantial transformation of Philippine society. It is a working class movement that is independent of the interests of the elite and seeks not just the resignation of Aquino, which only serves the ascension of Binay as constitutional successor, but the ouster of Noynoy in order to establish a truly democratic government of the Filipino people,” he elucidated.

Anti-Imperialist

SANLAKAS president Manjette Lopez averred, “The Labor Day protests this year would be the spark of an anti-imperialist struggle against the recolonialization of the country by foreign powers, particularly by transnational corporations through the neoliberal policies of liberalization, deregulation, privatization, and labor flexibilization”.

“These were the same policies and programs that were proclaimed to usher our country to the global market when the country hosted the APEC Summit in 1996. After nineteen years, the ravage they caused to local industry and agriculture could not be denied. As the country would again open its doors to trade ministers, CEOs (chief executive officers) and economic leaders in November for another round of the APEC summit, the labor movement has taken the lead in the Filipino people’s struggle against imperialism, as can be ascertained not only in the Labor Day protests this year but also in the Noynoy’s last SONA in July,” she concluded.

The “red shirt” protest in Manila was participated in by trade unions, urban poor associations, rural and mining workers from the National Capital Region and nearby provinces. Similar protests were also scheduled in Bacolod, Cebu, and Tacloban. #

(Photos by Jhuly Panday)

Biyernes, Mayo 1, 2015

Pahayag ng MASO sa Pandaigdigang Araw ng Paggawa

Pahayag para sa Pandaigdigang Araw ng Paggawa
Manggagawang Sosyalista-Pilipinas
(MASO-Pilipinas)
Mayo 1, 2015

Ang Manggagawang Sosyalista-Pilipinas (MASO-Pilipinas) ay nagsasagawa ng malawakang pagkilos bilang paggunita sa pandaigdigang Araw ng Paggawa.

Ang nasabing pagkilos ng MASO-Pilipinas ay lalahukan ng iba’t ibang samahan ng Manggagawa mula sa kalakhang maynila, at mga karatig na bayan. Ang sentrong panawagan ng grupo; “Wakasan, gobyerno ng burges. Itayo, gobyerno ng Manggagawa”

Dagdag pa, mahigpit na tinututulan ang laganap na kontraktwalisasyon, pribatisasyon sa mga pangunahing pang-publikong serbisyo, tulad ng MRT/LRT, Kuryente at tubig.

Kinukondena din ng grupo ang nakaraang P15.00 na dagdag na sahod na ayon sa kanila ito ay limos. Ayon sa kanila ang kailangan ng Manggagawa ay Living Wage at hindi Starvation Wage.

Ayon sa grupo, kailangan ng wakasan ang Dinastiya sa pamahalaan, ang malaganap na corruption na lalong nagpapahirap sa masang Pilipino.

Kung sa halos limang (5) taong pamamahala ni Pnoy ay walang napala ang mga manggagawa lalong wala nang maaasahan pa ang mga Manggagawa sa Labing-apat (14) na natitirang buwan sa panunungkulan ni Pnoy.

Sapat ang mga rason para alisin si Pangulong Benigno S. Aquino III sa kanyang pwesto at wakasan ang buong sistemang naglilingkod lamang sa burgesya.

Sinabi ng grupo, ang paggunita sa pandaigdigang araw ng paggawa ay pagkilos hindi lamang para sa isang reporma, bagkus ay isang tuwirang pagbabago ng Lipunan.

Sinimulan ang kanilang pagkilos, ngayon ika-30 ng Abril sa pamamagitan ng isang “Lakbayan” na nagsimula sa Zapote, Las PiƱas patungo sa Mehan Ganden, kung saan ay gaganapin ang isang pre-labor day concert.

Sa mismong araw ng paggawa ang mga manggagawa at mga organisasyon ng Manggagagawa kasama ang MASO-Pilipinas ay magtitipon-tipon sa tatlong (3) mga tagpuan, sa Manila City Hall, Mehan Garden at Plaza Miranda sa ganap ng ika-7 ng umaga at sama-samang magma-martsa patungo sa Mendiola.

Inaasahan ang humigit kumulang sa 20,000 manggagawa ang lalahok sa nasabing pagtitipon na pawang nakasuot ng kulay pula.

Ang TUPAS, NATU, SUMAPI na mga kaanib sa World Federation of Trade Union (WFTU) at VLM ay inaasahang kasama sa pagtitipon.

Ang MASO-Pilipinas ay coalition ng mga Sosyalistang Samahan na kinabibilangan ng Sosyalista, National Confederation of Labor (NCL), Kilusan ng Manggagawang Pilipino (KUA), Katipunan ng Manggagawang Pilipino (KMP), Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), KMM, Katipunan ng mga Samahan ng Manggagawa (KASAMA), Nagkakaisang Sosyalista (NS).

MASO-Pilipinas
International Labor Day
Pilipinas, 05.01.15