Sabado, Marso 8, 2014

Maikling Kwento sa Buhay at Pakikibaka ni Ka Romy Castillo


Maikling Kwento sa Buhay
at Pakikibaka ni Ka Romy Castillo

Mga kasama at Kapatid sa Paggawa,

Si Ka Romy Castillo, 62 taong gulang, biyudo (ang asawa’y pumanaw noong Disyembre 2012) at may 2 anak (isang babae at isang lalaki), taga-Escalante, Negros Occidental, ang kasalukuyang secretary general ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP). Noong 1987, naging manggagawa siya ng Philippine Blooming Mills Inc. na matatagpuan sa Brgy. Rosario, Pasig, Metro Manila. Noong 1979, naging bise president ng Philippine Blooming Mills Employees Union - National Federation of Labor Unions (PBMEU-NAFLU). Isa sa tagapagtatag ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang kanyang unyong pinamumunuan na may 2,600 kasapian noong Mayo Uno 1980 sa Araneta Coliseum. Nang taon ding iyon, naging chairman siya ng KMU Area 2 na sumasaklaw sa Mandaluyong, Pasig, Marikina at Rizal.

Isa siya sa 34 na mga opisyales at lider ng PBMEU na nagpasyang kumilos ng buong panahon sa Kilusang Paggawa nang ganap na magsara ang kanilang pabrika noong 1981. Aktibo niyang kinondena ang Arrest and Search Order (ASO), Preventive Detention Action (PDA) at crackdown ng pasistang diktadurang rehimen ni Marcos sa KMU noong Agosto 13, 1983.

Isa siya sa maraming lider-manggagawa na inaresto, kinulong ng pasistang rehimen ni Marcos noong Hulyo 1984. Siya at apat pang kasama (Antipolo 5) ay isa't kalahating taong ikinulong ng militar sa Camp Bagong Diwa matapos ang nakaririmarim na tortyur sa kanila. Sa loob ng piitan ay nakaranas siya ng iba’t ibang uri ng tortyur, tulad ng water cure, electric shock, at pagkuryente mismo sa kanyang ari na muntik na niyang ikabaog.

Nakalaya siya matapos ang EDSA People’s Power Uprising noong Pebrero 1986. Paglaya ay agad na siyang kumilos at natalaga bilang organisador at lider-manggagawa at ipinadala sa iba't ibang bansa, tulad ng Japan, Germany at Netherlands sa Europa para sa gawaing pakikipagkapatiran sa mga manggagawa / organisasyon ng mga manggagawa sa iba’t ibang bansa sa Europa.

Pagbalik niya sa Pilipinas ay aktibong kumilos bilang kasapi ng KMU Central Committee. At noong 1989 ay nahalal siya bilang chairman ng KMU National Capital Region (KMU-NCR) chapter.

Noong 1992-93, sa panahon ng panloob na tunggaliang pang-organisasyon sa KMU na humantong sa split ng KMU-NCR chapter sa KMU-national ay tumindig siya sa tama at totoo! At nanawagan siya ng pagtatakwil sa mga Maoista at Stalinista. Naging Founding Chairman siya ng BMP sa Konggreso ng Pagtatatag nito noong Setyembre 14, 1993 sa Ultra, sa Lungsod ng Pasig. Nanungkulan siya bilang Chairman ng Bukluran ng Manggagawa para sa Pagbabago (ang dating ibig sabihin ng BMP) hanggang 1996.

Muli siyang natalaga sa Labor International Work para ilinaw sa mga organisasyon ng mga manggagawa sa iba’t ibang bansa ang Kritik sa Globalisasyon at paninindigan ng BMP laban sa Asia Pacific Economic Forum (APEC) at Globalisasyon (ang patakarang liberalisasyon, deregulasyon, pribatisasyon at labor flexibility) at panawagang SLAM APEC. Depensahan ang Uri, Ipaglaban ang Bayan! Ang Laban ng Bayan ay Laban ng Uri! No to Agression in East Timor! Peace, Not War!

Aktibo din siya sa kampanya at pakikibaka para sa dagdag sahod ng mga manggagawa at pagtatayo ng Lawin-35, Kilusang Roll Back (KRB) at electoral na mga pakikibaka at pagtatayo ng Partido ng Manggagawa (PM). Kampanya laban sa dayaan, pagpapatalsik kay GMA, at panukalang pagtatayo ng transitional government noong 1998-2006. Pakikibaka ng mga manggagawa ng TEMIC, BLTB, PALEA at MERALCO. Nanawagan ng hustisya laban sa patraydor na pagpaslang sa chairman ng BMP na si Ka Popoy Lagman matapos ang EDSA Dos o kudeta ni GMA kay Erap at kasagsagan ng paghahanda ng Kongreso ng PM noong Pebrero 12, 2001. Nahalal siya rito na myembro ng Central Committee ng PM.

Hunyo 2011 nang magtungo si Ka Romy sa Malaysia bilang bisita ng Parti Sosialis Malaysia (PSM). Naging kinatawan siya roon bilang secretary general ng Partido Lakas ng Masa (PLM).  Pauwi na siya sa Pilipinas noong Hunyo 30 nang siya ay kinuha sa airport at ikinulong ng ilang araw ng Malaysian Government kasama ang 30 pang aktibistang Malaysian. Napalaya siya noong Hulyo 7, 2011 at agad na pinabalik sa Pilipinas.

Si Ka Romy ay magaling na tagapagsalita sa entablado, magaling tumangan ng pulong, hindi diktador, tinitiyak niya na nakakapagsalita ang lahat ng panid, at pinakamahalaga ay ang pagtitiyakniya na ang demokrasya ang nangingibabaw, hindi ang brasuhan, palakasan ng boses (literal) at panggagapang sa mga decision maker. Tunay siyang maginoo at magaling na lider.

Nang buhayin at paaktibuhin ng DOLE ang Tripartismo noong 2007 at nang magpasya ang BMP na magpadalo ng kinatawan dito, siya ang itinalagang opisyal na kinatawan ng BMP sa NTIPC hanggang sa kasalukuyan. Hindi na nga lamang siya nakakadalo sa mga patawag na meeting ng NTIPC dahil sa kanyang karamdaman sa kasalukuyan.

Nahalal si Ka Romy bilang secretary general ng BMP sa ginanap na ika-6 na Kongreso nito noong Nobyembre 26-27 2011 sa Calamba, Laguna.

Si Ka Romy ay dinapuan ng kanser sa baga. Nang madiskubre ay Stage 4 na. Nagpapa-chemo theraphy siya ngunit magastos. Baka sakaling siya'y mailigtas. Kaya kailangan niya ng tulong ng sinuman.

Ang BMP ay maglulunsad ng Benefit Concert para sa kanya sa Marso 9, 2014 sa General Trias, Cavite at sa Marso 17, 2014 sa Homer's Restaurant sa Lungsod Quezon. Sa mga nagnanais tumulong at makakuha ng tiket para sa konsyerto, mangyaring kontakin si Tina sa BMP ofc sa hatinig blg. 436-4307.

(Ito'y pinagsamang detalye mula kina Ka Ronnie Luna, Ka Gem de Guzman at Greg Bituin Jr.)

Miyerkules, Marso 5, 2014

Piket sa Embahada ng Malaysia, Isinagawa ng mga Manggagawa

PIKET SA EMBAHADA NG MALAYSIA, ISINAGAWA NG MGA MANGGAGAWA

Naglunsad kanina ng piket sa harapan ng Malaysian Embassy ang grupong BMP, kasama ang mga grupong Socialista, Kasama at Katipunan bilang protesta sa umano'y panggigipit sa NUBE (National Union of Bank Employees) sa Malaysia. Nanawagan sila sa Prime Minister ng Malaysia na igalang ang karapatan ng mga manggagawa, lalo na ang mga kasapi ng NUBE. Ang BMP, Socialista, Kasama at Katipunan ay pawang mga kasapi sa WFTU (World Federation of Trade Unions). (Ulat at litrato ni Greg Bituin Jr.)









Martes, Marso 4, 2014

BMP at NAGKAISA, Nagpiket sa ERC

BMP AT NAGKAISA, NAGPIKET SA ERC

Marso 4, 2014, Martes - Nagpiket ang iba't ibang grupo ng manggagawa sa ilalim ng koalisyong NAGKAISA sa harapan ng tanggapan ng Energy Regulatory Commission (ERC) upang iprotesta ang dagdag na namang singil sa kuryente. Nagprotesta ang grupong BMP, APL, SENTRO, PM, PALEA, KPML, PLM, GPNAI at iba pa upang ipakita ang galit ng manggagawa at maralita sa panibago na namang pahirap sa masa. Dumating din doon si Akbayan Party list rep. Walden Bello. Bago matapos ang piket ay nagsagawa sila ng die in o paghiga sa kalsada habang kanilang isinisigaw na ibaba na ang presyo ng kuryente at baguhin na ang pamamalakad sa ERC. (Ulat at litrato ni Greg Bituin Jr.)








Biyernes, Nobyembre 8, 2013

NAGKAISA Statement - Pork Barrel Regime a bane to Filipino workers

NAGKAISA Statement
November 7, 2013

Contact Persons: 
Leody De Guzman (BMP) – 09205200672 
Joshua Mata (APL) – 09177942431

Pork Barrel Regime a bane to Filipino workers

Official numbers and figures tell no lies—pork barrel, which include the Palace's Special Purpose Fund (SPF) and Congress' Priority Development Assistance Fund (PDAF)--has reached all-time highs under the administration of President Benigno Aquino III. SPF, which are funds under the discretion of Mr. Aquino, is set to be pegged at more than P400 billion in 2014 and out of that, PDAF will be pegged at P25 billion.

The public coffer is overflowing with money, yet this huge amount of money is spent upon the discretion of whoever sits in Malacanang, with no transparency and direct engagement with the people in determining government projects. Such ill-transparency and fiscal dictatorship is ridiculously upheld through Mr. Aquino's Disbursement Acceleration Program (DAP), a rip off from former dictator Marcos' decree (PD 1177 of 1977) which seeks to fast track government spending, but again, under the discretion of one person that is the President, making him the chef of quick fry pork.

This has been the system in past administrations, and this, in the eye of Filipino workers, is the legacy of Mr. Aquino—the leader of the current Pork Barrel Regime fueled by the undemocratic spending of our hard-earned money.

With Mr. Aquino defending and upholding the pork barrel system in his nationally televised public address, and with him hitting anti-pork groups, we in Nagkaisa—the biggest labor coalition in the Philippines—join in the people's call of scrapping ALL forms of pork barrel which, as government records show, is a major source of corruption in government.

We also the demand the filing of criminal cases against all government officials who have benefited, directly or indirectly, from the pork barrel. Justice and law enforcement must know no influence or position, and it must be dispensed without delay. Officials who determine the budget under the current system, such as Budget secretary Florencio Abad, Senate President Franklin Drilon, and House Speaker Sonny Belmonte must also be held accountable for crafting pork-filled budgets.

Instead of a Pork Barrel Regime, we want a government built upon genuine democracy, wherein working Filipinos who automatically pay their taxes are engaged in budgeting and policy making. Such participative budgeting system, in our view, is a major step toward combating corruption.

Finally, we in Nagkaisa demand the government to allocate our money, in the most transparent and democratic way, to social services and real jobs creation especially since the Filipino worker is getting poorer due to contractual labor and small wage.

Scrap all pork! Filipino workers, unite for a democratic, transparent, and accountable government! ###

NAGKAISA is the broadest coalition of labor groups in the Philippines to date composed of labor centers, federations and national unions, which include the Alliance of Filipino Workers (AFW), affiliates of the Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP), members of SENTRO, Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), Confederation of Independent Unions in the Public Sector (CIU), Federation of Free Workers (FFW), Manggagawa para sa Kalayaan ng Bayan (MAKABAYAN), National Federation of Labor Unions (NAFLU), National Mines and Allied Workers’ Union (NAMAWU), National Confederation of Labor (NCL), Philippine Airlines Employees Association (PALEA), Philippine Government Employees Association (PGEA), Partido ng Manggagawa (PM), Public Services Labor Independent Confederation (PSLINK), Philippine Transport and General Workers Organization (PTGWO), Technical Education and Skills Development Authority-Association of Concerned Employees (TESDA-ACE).

Linggo, Hunyo 23, 2013

Panambitan ni Titser - ni Ramon B. Miranda

PANAMBITAN NI TITSER
ni Ramon B. Miranda
12 pantig bawat taludtod

Propesyong pinili di naman madali
Pagkat sakripisyo'y pinananatili
Pagpanday ng bukas lagi naming gawi
Upang bansa nati'y umunlad palagi.

Ngunit ano itong nangyayari sa'min?
Buhay naming titser laging alanganin,
Karampot na sweldo't maraming pasanin,
Tanging pagtityaga natitira sa'min.

Ang aming bokasyon bayani sa turing,
Dignidad naman ay laging nasasaling.
Ang pamahalaa'y masyadong magaling
Ngunit bingi naman sa'ming mga daing.

Sa mga pinunong mata'y nakapiring
Sa'ming panawaga'y kagyat na gumising
Dapat nang ibigay makatwirang hiling
Nang di maglayasan gurong magagaling.

Lunes, Mayo 6, 2013

Kumusta na ang mga manggagawa? - ni Lorena "Ohyie" Purificacion

KUMUSTA NA ANG MGA MANGGAGAWA?
ni Lorena "Ohyie" Purificacion

Sa lumalalang krisis ng mga mauunlad na bansa, at pag-aagawan sa merkado ng mga higanteng kapitalista na nagresulta ng malawakang tanggalan sa trabaho at pagsasara ng mga pabrika, saan na napunta ang mga manggagawa?

Sa huling datos ng Labor Force Survey (LFS) ng National Statistic office, tinatayang nasa tatlumputpitong milyon ang bilang ngayon ng mga mangggawa. Ang mga ito ay matatagpuan sa mga services (52.2%), agriculture (33 %). at sa industry (14.9%). Kapansin-pansin na napakaliit ng bilang ng mga manggagawa sa pabrika. At marami pa sa hanay na ito ng mga manggagawa ang nasa piketlayn, nakawelga, at mga nasa kasong hindi pa tiyak ang seguridad sa trabaho. Ganunpaman, saan man nahahanay ang mga manggagawang ito, sila ay pare-parehong nagbebenta ng lakas paggawa kapalit ng sahod. Pare-parehong pinagsasamantalahan ng sistema ng lipunan. 

Manggagawa ang lumilikha ng yaman ng bansa

Ito ang prestihiyosong pagkilala sa lahat ng mga manggagawa. Sinasabi na kung wala ang mga manggagawa, alang lilitaw na mga nagtataasang gusali, mga naggagandahang landmark, mga tulay at kalsada, walang maisusuot na damit, at hindi makakain kahit pa ang pinakamayamang tao sa mundo. Dahil ang manggagawa ang humahabi at tumatahi sa mga tela at nagtatanim at nag-aani ng pagkain ng mga mararangyang tao. Ngunit ang masaklap, hindi naaangkin ng mga manggagawa ang mga niyari at nilikha nila. Dahil ang lahat ng mga produktong gawa nila ay ibinebenta sa malaking halaga, na hindi kayang bilhin ng sahod ng mga manggagawa. 

Mahalaga sa mga kapitalista ang kalidad at husay ng pagkakayari ng bawat produktong dinadala nila sa merkado. Katunayan kahit pa gumastos sila ng milyon-milyong piso para sa promotions at endorsements, balewala lamang sa kanila dahil limpak limpak na tubo ang babalik sa kanila. Pero kung bibisitahin at susuriin ang manggagawang maylikha nito, makikita ang kaawa-awang kalagayan nito. 

Pangunahin ang mababang sahod na hindi sapat sa living wage, hindi magandang kundisyon ng lugar na pagawaan, walang katiyakan sa kalusugan at iba pang health benefits, lalo na sa mga manggagawang kababaihan, walang security of tenure o kasiguruhan sa trabaho lalo na mga manggagawang kontrakwal. Panggigipit ng kapitalista o harassment sa pag-uunyon. Lahat ng ito ay ipinagbabawal sa itinadhanang mga batas paggawa. Ngunit sa aktwal na nagaganap, kaylanman ay hindi ginagarantiyahan ng gobyerno ang anumang nakasulat na proteksyon sa mga karapatan ng manggagawa. Bagkus sinasalaula pa ng gobyerno ang mga sagradong batas na pinag-ukulan ng dakilang layunin bilang makatao at may pagpapahalaga sa buhay ng tao. 

Katunayan, nauso ang moratorium ng CBA (PAL), pagbawi sa desisyon ng Korte Suprema na dati’y pumapabor sa mga mangagawa ng Philippine Airlines, pagluluwag sa labor-only contracting, pang-aabuso sa paggamit ng assumption of jurisdiction (AJ) at kung anu-ano pang panggigipit sa manggagawa na gamit ang kapangyarihan ng estado. 

Ngunit ang nagdudumilat na katotohanang miserable ang kalagayan ng mayorya ng manggagagawa, bakit hindi nila ito makita? Patuloy pa rin silang nagtitiis sa pagsasamantala at pang-aabuso ng mga kapitalista? Patuloy pa rin silang nangunguyapit sa sistema, na pinagtutulungan pa ng gobyerno at mga ganid na kapitalista na ihambalos sa mga kaawa-awang manggagagawa. 

Ano ang nararapat gawin upang kumilos at maghangad ng pagbabago ang mga manggagawa?

Maraming balakid sa hinahangad na pagbabago, isang matindi rito ay kapag inatake ng kalam ng sikmura at pakalmahin ang galit ng masa sa pamamagitan ng pananalig na ito ay isang normal lamang na pangyayari sa mga pagsubok ng maylikha. 

Totoong mahirap kumilos at magnasa ng isang pagbabago sa hindi tiyak na kaganapan. At matagal nang alam ang sagot o susi sa pagbabago ng lipunan – ang pagkakaisa ng mga manggagawa na itirik ang produksyon, ang pagkakaisa ng masa na agawin ang poder ng estado. Ngunit paano ba ito gagawin? Matagal nang nakita ng mga manggagawa at masa ang kanilang mga sarili na nasa abang kalagayan. Samantalang ang mga mayayaman ay lalong yumayaman dahil sa dugo at pawis ng masa at mga manggagawa. Maunawaan ng mga manggagawa na walang kikilos at tutulong sa kanila kundi mismong sarili nila. Pag-oorganisa ng mga abante at tunay na mulat na organisador sa manggagawa at masa na may kaakibat na pangngalaga sa responsibilidad at tungkulin biilang organisador. Lumikha ng isang sining sa mga kampanya laban sa kapitalismo at maipakita ang lipunang hinahangad natin, ang sosyalismo sa paraang ito ay hindi imahinasyon lamang kundi tunay na magaganap. 

Tuwing Mayo Uno, ginugunita ang araw ng manggagawa, at hihimay-himayin muli ang mga kahilingan sa gobyerno na malaon na nating alam na bingi at nagmimistulang inutil ang lahat ng mga naghahalinhinang mga pinuno ng bansa. Ito ay labanan ng uri, kaya iguhit na natin ang hukbo ng manggagawa at masa laban sa mapang-api at mapagsamantalang mga burgis at elitista. Patunayan natin na ang tunay na demokrasya ay ang kagalingan para sa higit na nakakarami.

* Si Lorena "Ohyie" Purificacion ay isang manunulat, makata, at lider-manggagawa. Dati siyang pangulo ng unyon ng mga manggagawa ng Noritake sa Marikina.

Huwebes, Mayo 2, 2013

Ang Manggagawa - ni Lorena "Ohyie" Purificacion

ANG MANGGAGAWA
ni Lorena Purificacion

Sana ay hindi limot ng manggagawa
na ang lakas ng kanyang bisig..
na ang kanyang mapanlikhang kamay,,
na ang kanyang mapagmahal na puso..
na ang kanyang matalas na isip..
ang dahilan bakit may mga nagtatayugan na mga gusali..
magagarang nga damit..pagkain..
at lahat ng tinatamasang luho at karangyaan sa buhay ng iilan..

Sana ay makilala ng manggagawa ang kanyan sarili..
hindi lamang bilang sahuran..kundi bilang isang uri..
na maghahangad na makamit ang malayang daigdig..
walang nagsasamanta at nang-aapi..
Mangagawa!! ikaw ang maglalagot ng tanikala..
sa isang rebolusyon..ang tagumpay nasa iyong mga kamay..

MABUHAY KA!!

Mayo 1, 2013

 Si Lorena "Ohyie" Purificacion ay isang manunulat, makata, at lider-manggagawa. Dati siyang pangulo ng unyon ng mga manggagawa ng Noritake sa Marikina.