Miyerkules, Enero 17, 2018

Balitang manggagawa sa pahayagang Pilipino Star Ngayon

Balitang manggagawa sa pahayagang Pilipino Star Ngayon, Enero 16, 2018, pahina 2.

Ang raling ito ay sama-samang pagkilos ng grupong SOCIALISTA at ng grupong Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) sa Mendiola, Enero 15, 2018, laban sa TRAIN (Tax Reform Acceleration and Inclusion, na anila'y pahirap sa manggagawa dahil sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.



Miyerkules, Enero 3, 2018

Rali ng Manggagawa Laban sa TRAIN ni Digong

Pagkilos ng mga manggagawa sa Mendiola sa Maynila, Enero 3, 2018, laban sa TRAIN law, na ang epekto ay pagtataas ng presyo ng batayang mga bilihin na pasakit sa mamamayan. Dumalo sa pagkilos ang mga kasapi ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), Solidarity of Unions in the Philippines for Empowerment and Reforms (SUPER), Metro East Labor Federation (MELF), Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), Partido Lakas ng Masa, at iba't ibang unyon ng mga manggagawa.